Mas dapat bigyan ng atensiyon nang ang ibang sports
September 11, 2005 | 12:00am
Batid ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) president Jose Cojuangco kung gaano kalapit sa puso ng mga Filipino ang basketball ngunit sinabi niyang hindi dapat ituon ang lahat ng pansin sa kasalukuyang problema sa naturang sport lalo nat tatlong buwan na lamang at itatanghal na ang 23rd SEA Games.
"Ang dami-dami nating dapat asikasuhin hindi lang yung tungkol sa basketball," anang Philippine Olympic Committee (POC) president. "Bigyan naman sana natin ng kaunting atensyon yung iba pang sports, especially nagpapanalo tayo sa mga international tournaments lately."
Sinabi ng dating Tarlac congressman na hindi na nabibigyang pansin ang pagsisikap ng mga Filipino athletes dahil nakatuon ang lahat sa malaking katanu-ngang na magkakaroon ba ng basketball competition o wala sa Nov. 27-Dec. 5 meet dahil umiiral pa ang FIBA suspension sa bansa sa lahat ng international competition kasama ang SEA Games.
Ayon kay Cojuangco, may ilang atletang nagta-gumpay sa malaking international events nitong nag-daang linggo ngunit hindi ito nabigyan ng pansin.
Nitong nakaraang araw, nakisalo ang batang chess whiz na si Mark Paragua sa Indonesian Grandmaster na si Utut Adianto sa top honor sa Asian Zonal chess championship sa Kuala Lumpur, Malaysia at siya ang kakatawan ng Asia Zone 3.3 sa world chess championship sa Elista sa susunod na taon.
Sa boxing, kumopo ng ginto sina Harry Tanamor at Joan Tipon sa 23rd Asian Boxing Championship meet sa Ho Chi Minh, Vietnam para sa runner up finish ng mga Pinoy Pugs sa likod ng overall champion na Pakistan ngunit mas mataas ang kanilang tinapos kontra sa mga SEA Games rival na Thailand na naka-isang gold lamang.
Nagbulsa naman ang RP gymnastics team, sa pangu-nguna ni Cintamoni de Guz-man, ng six gold medals sa Rajiv Gandhi International gymnastics competition na sinundan nila ng tatlo pang ginto sa 2005 Pesta Sukan Gymnastics Championships sa Basha, Singapore.
Nabura naman ng high-jumper na si Marestella Torres ang long-standing RP record na 6.56 sa womens long jump sa kanyang silver medal performance sa 16th Asian Athletic Champion-ships sa Incheon, Korea matapos lumundag ng 6.63, kinapos lamang ng .02 centimeters sa gold medal performance ni Bobby George Anju ng India.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended