UE Warriors nagpalakas pa
September 11, 2005 | 12:00am
Napalakas ng University of the East ang kanilang tsansa sa twice-to-beat ticket matapos ang 65-61 panalo kontra sa University of the Philippines na nagbigay sa defending champion De La Salle University ng libreng ticket sa Final Four na kumumpleto ng cast ng semifinals ng UAAP mens basketball tournament na nagpatuloy kahapon sa Araneta Coliseum.
Nanguna si Bonbon Custodio sa pagtatala ng 16-puntos para sa Red Warriors na pumigil sa paghahabol ng UP Maroons na nagtangkang makabangon mula sa 13-point deficit upang umangat sa 10-3 kartada sa likod ng nangungunang Far Eastern University na may 11-1 record kasunod ang Ateneo de Manila University (9-3) at DLSU Green Archers na may 7-4 kartada na siyang cast ng Final Four.
Sa walang bearing na first game, pumukol si rookie guard Jonathan Jahnke ng isang running jumper sa huling segundo ng laro upang ihatid ang National University sa 74-73 tagumpay laban sa University of Santo Tomas (4-10).
Sa juniors division, nakuha ng UP Integrated School ang huling Final Four slot matapos ang 70-62 panalo laban sa UE Pages.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended