Ang boksingero mula sa Mindanao ay aakyat sa ring kontra kay Hector Velazquez ng Mexico sa pabolosong Staples Center sa Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila).
Bandang alas-7 ng gabi, fight time na dito sa LA.
At bagamat non-title fight, ibibigay nina Pacquiao at Velazquez ang lahat ng kanilang makakaya para maangkin ang panalo na magbibigay sa kanila ng mas malaki pang laban.
Tangka ni Pacquiao na itakda ang rematch laban kay Erik Morales, ang tuso at may kakaya-hang Mexican na nagpa-lasap sa Pinoy knockout artist ng madugong kabiguan noong Marso sa Las Vegas.
Ngunit para kay Morales, kailangang malusutan muna ni Pacquiao si Velazquez. Kung hindi namemeligro ang re-match niya kay Morales na nakatakda sa Enero 21.
Sa fight contract para sa rematch, na pinirmahan noong July, ang resulta ng laban ngayon ang magiging basehan kung matutuloy o hindi ang rematch.
Sa kabilang dako naman, underdog si Velazquez laban kay Pacquiao. At bagamat tumanggi itong isiwalat kung mag-kano ang matatangap sa laban na ito, sinabi ni Velazquez na ito ang pinakamalaki sa kanyang career.
Haharapin naman ni Morales ang kanyang sariling kalaban na si Zahir Raheem, miyembro ng US team sa 2000 Syd-ney Olympics. Ito ay isa ring non-title bout kung saan pinaboran si Morales.
Makikisosyo din sa eksena ang mga Pinoy na sina Ray "Boom-Boom" Bautista at Brian Villoria na kakalabanin sina Colombian Felix Flores at Mexican Eric Ortiz, ayon sa pagkakasunod. (Ulat ni Abac Cordero)