^

PSN Palaro

UAAP Final Four

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.

Ang kasabihang iyan ay pwede nating gamiting patungkol sa University Athletic Association of the Philippines kung saan ang cast ng Final Four ngayon ay katulad ng cast ng mga nagdaang seasons. Walang pagbabago!

Far Eastern University, University of the East, Ateneo at La Salle pa rin ang mga koponang nasa Final Four.

Oo’t may isa pang larong natitira ang University of the Philippines na may 6-7 record. Pero kahit na magwagi pa ang Fighting Maroons kontra sa UE Warriors mamaya, hindi iyon magiging garantiya na makakapuwersa sila ng playoff para sa huling berth sa Final Four. Kasi nga’y may 7-5 record ang pang-apat na La Salle at kung mag-wawagi lang ang Green Archers nang minsan laban sa Ateneo o Adamson ay kumpleto na ang Final Four cast.

Katunayan, kahit na hindi magwagi ang La Salle sa huling dala-wang games nito, kapag na-uphold ang kanilang apela hinggil sa kontrobersyal na laro laban sa UE, mapagsasarhan na rin ng pinto ang Fighting Maroons.

Ang muli at patuloy na pagpasok ng FEU, UE, Ateneo at La Salle sa Final Four ay testimonya lamang ng magandang basketball prog-ram ng mga naturang UAAP members. At ito ang dapat na gayahin ng apat na koponang nabigong makarating sa susunod na round.

Maganda na sana ang simula ng UP Fighting Maroons na naka-kuha ng tatlong matatangkad na datihang manlalaro ng La Salle na ngayon ay kumuha ng Masters. Pero tila kulang pa ang rekado para sa Fighting Maroons.

Ang siste’y mawawala ang mga matatangkad na players na ito sa susunod na taon at magsisimula na namang maghagilap ng materyales ang UP.

Sa mga koponang natanggal, tila ang University of Santo Tomas Growling Tigers ang may pinakamalaking potential. Maraming rookies ang UST sa taong ito. Hindi basta rookies kundi matatangkad na players na may maningning na kinabukasan. Kumbaga’y kumuha lang sila ng experience sa taong ito at sa susunod na season ay tiyak na pakikinabangan sila nang husto.

Ang Adamson Falcons, na sumailalim sa bagong coach na si Mel Alas, ay medyo minalas. Sa ikalawang sunod na season ay nawalan ito ng manlalaro dahil sa injury.

Noong isang taon ay may high hopes para sa Falcons subalit nang nagtamo ng torn anterior cruciate ligament ang kanilang lead point guard na si Ramil Tagupa ay nanlamlam ang kanilang tsansa. Sa taong ito, si Marc Agustin, isang magaling na shooter, naman ang nawala dahil sa injury. Bukod kay Agustin ay na-miss din ng Falcons ang malakas na rebounder na si Richard Alonzo na hindi na pinaya-gang makapaglaro.

Ang National University Bulldogs ay nanatiling kulelat kahit pa nagbalik sa kanilang poder si coach Manny Dandan. Pero sinasabing kapag nakakuha ng mahusay na point guard ang Bulldogs ay magiging palaban sila sa susunod na taon. Maganda kasi ang materyales ni Dandan at marami siyang big men.

Hindi natin masasabi kung mawawasak ang monopolya ng apat na powerhouse teams sa UAAP. Pero nakakaalarma na rin ang pang-yayaring nagiging predictable ang labanan sa UAAP.

Kailangan ay may variety naman para mas maging kapana-panabik ang mga laro.

ANG ADAMSON FALCONS

ANG NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

ATENEO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIGHTING MAROONS

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

LA SALLE

MAGANDA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with