Lumayo sa ikaapat na quarter ang PCU Dol-phins sa pangunguna ni Robert Sanz na umiskor ng 14 sa kanyang tinapos na 24-puntos sa final canto tungo sa 76-53 panalo laban sa Mapua Institute of Technology sa ikalawang laro.
Ipinakita ng Letran Knights ang kanilang determinasyong mabawi ang titulong nawala sa kanila noong nakaraang taon nang di na nila pinagbigyan pa ang San Sebastian College-Recoletos na kanilang dinispatsa sa pamamagitan ng 93-60 panalo sa unang laro.
Magsisimula ang best-of-three finals sa Sep-tember 19 sa Araneta Coliseum sa alas-3:30 ng hapon.
Samantala, binago ang schedule ng juniors division dahil diniskuwalipika ng NCAA Manage-ment Committee ang Letran Squires sa Final Four matapos panigan ang protesta ni San Beda Red Cubs coach Ato Badolato sa Letran point-guard na si Lester Alvarez, na naglaro sa inter-city league kasabay ng torneo.
Si Alvarez ay lumaro noong Agosto 27 at Sep-tember 3 sa Global Destiny Basketball League para sa Parañaque City.
Dahil dito, nalibre ng biyahe sa Final Four ang Jose Rizal U Light Bombers na siyang pumalit sa Squires at ookupahan nila ang No. 4 slot matapos mabigo sa PCU Baby Dolphins, 90-96 sa playoff para sa No. 3 position.
Makakasagupa ng Light Bombers at Baby Dolphins ang No. 1 na San Sebastian Staglets at No. 2 na Red Cubs ayon sa pagkakasunod na parehong may twice-to-beat advantage. Ihaha-yag na lamang ang sche-dule ng juniors Final Four.