Philippine Asean Para Games countdown magsisimula na
September 7, 2005 | 12:00am
Sa loob ng 100-araw, umaasa ang Philippine Asean Para Games Organizing Committee na mas mara-mi pang tao ang makakaalam ukol sa mga taong may kapansanan, at makakuha ng suporta mula sa government at private sector para makapag-training ang mga atletang kakatawan ng bansa sa 3rd Asean Para Games na gaganapin sa Dec. 14.
Ang 100-day countdown ng Para Games ay opisyal na nagsimula kasabay ng paglulunsad ng official website ng palaro na www.3rdasean-paragames.org.ph.
Di gaya ng 23rd Southeast Asian Games na may budget requirement na tinatayang aabot sa mahigit P1 bilyon, kailangan lamang ng 3rd Asean Para Games ng P40 million na hindi pa nalilikom ng mga organizers ayon kay PAPGOC chairman Michael Barredo.
Gayunpaman, kumpiyansa si Barredo na papasok ang mga sponsors sa 11-nation sports conclave.
Nakapaloob sa awareness campaign ang pagkakabit ng mga PAPGOC banners sa Roxas Boulevard, bukod pa sa PARA Games counter na ilalagay sa kanto ng Roxas Boulevard at Quirino Avenue.
"Were happy that the City of Manila is helping in the campaign to promote the games. It is time for the differently abled to shine and we are very thankful Manila is lending us a hand," ani Barredo sa Forum na sponsored ng Red Bull, Circure, Super-max, Pagcor at ni Manila Mayor Lito Atienza.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended