Layunin ng TM, ang bagong Touch Mobile, na makatuklas ng mga bagong kampeon sa larangan ng bilyar.
Humigit-kumulang sa 36 players ang nagtagisan ng kanilang husay sa pagsargo sa best-of-three elimination match kung saan nanguna si Infante. Ang 24 anyos na taga-Lipa ay tumanggap ng cash prize at tropeo bilang premyo at pagkakataong ipamalas ang kanyang galing laban sa iba pang magkakampeon sa TM League sa buong bansa. Ang susunod na laro ay sa Pampanga.
Umaasa ang TM na sa pamamagitan ng ligang ito, makakatuklas sila ng magiging tagapagmana sa trono ni Pinoy billiards legend Efren Bata Reyes. Ayon kay TM Senior Marketing Manager Norman Miranda, layunin ng kompetisyong ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na manlalaro na patunayan ang kanilang potensiyal na maging kampeon at maabot ang kinakatayuan ng kanilang mga iniidolong billiard players.
"Tinuturing naming isang tagumpay ang seryeng ito ng mga palaro dahil sa dami ng bilang na sumasali," ani Miranda. "Maaaring dito pa natin makita o madiskubre ang susunod sa yapak nina Reyes o ni Francisco Django Bustamante na pawang mga world class champion at tunay na ipinagmamalaki ng ating bayan."