Environmental-friendly ang 23rd SEA Games
September 6, 2005 | 12:00am
Magiging isang envi-ronmental-friendly ang darating na 23rd South-east Asian Games.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) chairman Robert Aventajado ng taek-wondo, ang pagpapahalaga sa kalikasan ang isa sa mga bagay na gustong ipaalam ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) sa 10 pang miyembro nito.
Katunayan, kabuuang 40 buses na maglalakbay gamit ang Compressed Natural Gas (CNG) ang gagamitin ng mga delegasyon.
"Ang maganda rito, libre na ay na-address pa natin yung mga environ-mental concern kasi itong Compressed Natural Gas (CNG) ay hindi mga pollu-tants. Wala itong polusyon na binibigay sa ating kapaligiran," ani Aventajado.
Nakipagtulungan na rin ang PHILSOC sa Zero-Waste Organization ng Mother Earth para sa pagkolekta ng mga basu-ra sa kasagsagan ng 2005 SEA Games.
"In other words, we try to get these donations but at the same time we also have our side on other issues that concern our society, like pollution and the environment," wika ng POC chairman.
Hihikayatin rin ng PHILSOC ang mga con-scessioners na gumamit ng papel sa kanilang pag-titinda at paghahain ng mga pagkain.
"Magkakaroon rin tayo ng waste segregation scheme," ani Aventajado. "Iyong mga recycables, ire-recycle at yung mga biodegradable naman ay ililibing sa lupa." (Ulat ni Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended