Inilampaso ng UE Red Warriors ang National University, 68-50 kahapon sa pagpapatuloy ng ika-lawang round ng elimi-nations sa Ateneo Gym.
Ngunit dahil nadagda-gan ng panalo ang East nang ibigay sa kanila ng UAAP Technical Commit-tee ang binawing 86-83 panalo laban sa DLSU Green Archers noong Huwebes nang paboran ang kanilang pagpro-protesta sa isang illegal time-out na ginawa ng La Salle sa huling 1.8 segun-do ng regulation, nakali-kom na ang Red Warriors ng 10-panalo matapos ang 13 pakikipaglaban.
Sigurado na sila sa semifinals tulad ng nangu-ngunang Far Eastern University na nanalo na-man sa ikalawang laro laban sa host Adamson University, 66-56 upang higit na palawigin ang kanilang kartada sa 10-1 panalo-talo.
Tulad ng FEU Tama-raws, nakalapit ang East sa twice-to-beat advan-tage na ipagkakaloob sa top-two teams pagkata-pos ng dalawang round ng eliminations.
Humakot si Marcy Arellano ng 16-puntos upang ipalasap sa sibak na sa kontensiyong NU Bulldogs ang ika-11 ka-biguan sa gayong ding dami ng laro.
Tumapos na-man ang reig-ning MVP na si Arwind Santos ng double-double performance sa paghakot ng 12 points at 11 rebounds upang ipalasap sa AdU Falcons ang ika-10 talo sa 13-laro. (CVOchoa)