^

PSN Palaro

UE nakalapit pa sa ‘twice-to-beat’

-
Kahit hindi nakakuha ng paborableng resulta sa kanilang pagpro-protesta sa overtime loss laban sa defending champion De La Salle University, ipina-kita ng University of the East na kaya nilang ma-kapasok sa Final Four ng UAAP men’s basketball tournament.

Inilampaso ng UE Red Warriors ang National University, 68-50 kahapon sa pagpapatuloy ng ika-lawang round ng elimi-nations sa Ateneo Gym.

Ngunit dahil nadagda-gan ng panalo ang East nang ibigay sa kanila ng UAAP Technical Commit-tee ang binawing 86-83 panalo laban sa DLSU Green Archers noong Huwebes nang paboran ang kanilang pagpro-protesta sa isang illegal time-out na ginawa ng La Salle sa huling 1.8 segun-do ng regulation, nakali-kom na ang Red Warriors ng 10-panalo matapos ang 13 pakikipaglaban.

Sigurado na sila sa semifinals tulad ng nangu-ngunang Far Eastern University na nanalo na-man sa ikalawang laro laban sa host Adamson University, 66-56 upang higit na palawigin ang kanilang kartada sa 10-1 panalo-talo.

Tulad ng FEU Tama-raws, nakalapit ang East sa twice-to-beat advan-tage na ipagkakaloob sa top-two teams pagkata-pos ng dalawang round ng eliminations.

Humakot si Marcy Arellano ng 16-puntos upang ipalasap sa sibak na sa kontensiyong NU Bulldogs ang ika-11 ka-biguan sa gayong ding dami ng laro.

Tumapos na-man ang reig-ning MVP na si Arwind Santos ng double-double performance sa paghakot ng 12 points at 11 rebounds upang ipalasap sa AdU Falcons ang ika-10 talo sa 13-laro. (CVOchoa)

ADAMSON UNIVERSITY

ARWIND SANTOS

ATENEO GYM

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

LA SALLE

MARCY ARELLANO

RED WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with