Ipinakita ni Tanamor ang kanyang pagiging angat kontra sa kanyang karibal na si Suban Punon ng Thailand ng umiskor ito ng kumbinsidong 30-24 panalo upang maka-pasok sa final ng lightflyweight class.
Si Tana-mor ang siyang may malalim na karanasan sa mga boxers na ipinadala rito ng Philippines nang magpatama ng mas maraming solidong suntok sa ilang palitan ng sun-tok.
Taglay ang 20-16 bentahe patungo sa final round, naglabas si Ta-namor ng mga suntok kasabay ng kanyang estilong pasayaw-sayaw kontra sa kanyang kala-ban na si Suban na ika-apat na beses na niyang nakaharap.
Makakasagupa ni Tanamor, bronze medalist sa World Championships at sa Southeast Asian Games ang Athens Olympics bronze medalist na si Hong Moo Won ng Korea para sa gintong medalya ng tournament na ito na humatak ng atensiyon ng mga mahu-husay na fighters sa kontinente.
Kinailangan naman ni Tipon na tabunan ang kanyang mabagal na panimula bago niya naku-ha ang tempo at pabag-sakin si Raahhyn Adyan-nov ng Kazakshtan, 26-13 at mapasabak sa gold medal bout sa bantam-weight category.
Inilabas naman ng Kazakh fighter ang kan-yang sandata ng ibaon niya si Tipon matapos ang unang round, 3-4. Pero matapos na makakuha ng instructions ang Fili-pino mula sa coaching staff sa pangunguna ni Pat Gaspi, nakita rin niya ang tamang pagpapata-ma ng suntok sa su-munod na dalawang round, bago sinundan ito ng matagumpay na pag-papakawala ng solidong jabs upang sa pagtatapos ng ikatlong round, angat na si Tipon, 15-9.
Nabigo naman si Mark Jason Melligen na mapasabak sa medal bout nang madiskuwali-pika ito matapos na magbigay ng below the belt sa kalabang si Ali Ashga Sha ng Pakistan sa welterweight division na naging dahilan ng kanyang kabiguan.