Mayroon ng SEAG commemorative plates

Mayroon nang comme-morative plates na may logo at mascot ng 23rd Southeast Asian Games para sa pub-liko na bahagi ng fund-raising campaign ng Philip-pine SEA Games Organizing Com-mittee (PHILSOC) para sa hosting ng biennial meet.

Iprinisinta ni PHILSOC president at chief operating officer Jose Cojuangco ang plaka sa mga Metro Manila mayors kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa pakikipagdaya-logo sa Local Government Units (LGU) kamakailan lamang sa Sheraton Hotel.

Isang private marketing group sa pamamagitan ni chess official Vic Balboa ang nagdisenyo ng SEAG plate sa layuning makatulong sa pagkalap ng karagdagang pondo at makatulong din sa paglikha ng ‘public aware-ness’ para sa Nov. 27-Dec. 5 event.

Naghanda rin ng mga Personalized plates para kay President Gloria Macapagal-Arroyo, mga members ng Senate, House of Repre-sentative at iba pang govern-ment officials kung saan umaasa ang PHILSOC na makalikom ng hindi bababa sa P5 million.

"Proceeds of this fund-raising campaign will go solely to Philsoc. We’re short of at least P200 million from our target budget, but things are expected to become easier now with this kind of campaign and support from private sponsors," ani Cojuangco, presidente rin ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ang regular plate ay nagkakahalaga ng P3,000, ang special ay P4,000 at ang sponsors ay P12,000.

Sa naturang dialogue, ipinahayag ng mga LGU representatives at youth sector ang kanilang pag-suporta at nangako sa PHILSOC na tutulong sa paglikha ng ‘public aware-ness’.

Bukod sa streamers at billboards na ilalagay sa kani-kanilang lugar, ang mga local officials ay magsasagawa ng meetings sa barangay level, community interaction at school visits.

"Our friends in the youth sector even promise us to put up SEA Games updates in their Friendsters and e-mail. Everybody is now working and using all the available technologies to drum up the Games," ani Cojuangco.

Show comments