Umaasa si Cynthia Carrion, pinuno ng aerobics association ng bansa, na makukumpleto ang four-gold sweep sa naturang sport upang gawin ang kanilang bahagi sa kampanya ng bansa sa overall title sa 23rd Southeast Asian Games.
Nagsimula ang aerobics sa SEA Games noong 2003 edition sa Vietnam. Bagamat paborito ang Philippines na maka-sweep ng gold, nakapag-uwi lamang ng dalawang bronze medals.
Sa pagkakataong ito, hindi kulang ang RP aerobics team sa exposure. Kagagaling lamang nila sa World Aerobics Championship sa Manhattan Beach, California kung saan 32 bansa ang nakibahagi.
Nabigong manalo ang mga Pinoy ng medal makaraang magtapos bilang eight place at fourth sa mga Asian countries ngunit pinakamataas na tinapos sa mga Southeast Asian countires.
"China, Japan and Korea, they are all very good. Hindi pa natin sila kayang talunin ngayon. But among the SEA countries, were the best. Hopefully, that should augurs well for our bid to dominate aerobics in the SEA Games," dagdag ng dating sports commissioner.
Tinatayang 5,000 athletes at officials ang makikibahagi sa 11-nation meet na nakatakda sa Nov. 27 hanggang Dec. 5 sa Manila at tatlo pang satellites venues Bacolod, Cebu, Subic.