Sa NCAA ay nakamit na ng Letran Knights at Philippine Christian University Dolphins ang bentaheng ito bago pa man sila nagharap kahapon sa pagtatapos ng double round elims.
Sa UAAP naman ay pinaglalabanan pa ito ng Far Eastern University, Ateneo, University of the East at La Salle. Medyo mahaba pa ang labanan at wala pa sa kanilang nakatitiyak na makakasungkit ng bentaheng ito.
Kumbagay sa buong 14-game elimination round, talagang pinupuntirya ng mga kalahok na magwakas sa No. 1 o No. 2 spot. Iyon lang ang importante. Kapag nakuha nila iyon, para na ring nasa Finals ang isang paa nila.
So, masasabi nating tila patungo na nga sa best-of-three cham-pionship round ang Knights at Dolphins. Isang panalo na lang kasi ang kailangang maitala nila kontra San Sebastian Stags at Mapua Cardinals upang maselyuhan ang championship date nila.
Sa tutoo lang, nagngingitngit ang Knights bunga ng pangyayaring hindi nila naidepensa ang kanilang korona noong isang taon. Matapos na magkampeon nong 2003 ay hindi sila pumasok sa championship round noong 2004. Naglaban ang PCU Dolphins at Perpetual Help Altas at sa dakong huliy nakamit ng Dolphins ang kanilang kauna-unahang titulo sa NCAA.
Masakit para sa Letran iyon dahil intact sila pinapaboran pa mandin ng mga oddsmakers. Kaya naman sa taong ito ay talagang itinodo nila ang kanilang lakas at ipinakita sa lahat na karapat-dapat silang mamayagpag. Katunayan, nais sana ng Knights na ma-sweep ang elimination round subalit nadiskaril sila ng Mapua Cardinals.
Sa isang banda, maganda na rin ang natalo sila dahil sa nagsilbi itong wake-up call. Nakita naman ng lahat kung paanong dinurog ng Knights ang San Sebastian noong Miyerkules! Mula ngayon ay talagang focused na focused na ang tropa ni coach Louie Alas.
Ang Dolphins naman ay pre-tournament favorite dahil nga sa intact din ang kanilang line-up at tanging si coach Loreto Tolentino lang ang nawalat hinalinhan ng isa pang mahusay na coach na si Edmundo "Junel" Baculi. Kumbagay walang dahilan para hindi makausad sa Finals ang Dolphins.
Noong Miyerkules, kahit na suspindido si Baculi ay nagawa ng Dolphins na tambakan ang Cardinals. Isang statement ito sa NCAA na anuman ang mangyari ay talagang malakas ang PCU.
Sa ngayon ay nangangamoy Letran-PCU na nga ang Finals ng NCAA.
Pero teka, hindi rin porket may twice-to-beat advantage ang isang koponan sa Finals Four ay pwede na itong maging kampante. May silat din sila kapag nagpabaya.
Ito ang nais na maiwasan ng Knights at Dolphins dahil kahit paanoy nakakatakot din namang kalaban ang Cardinals at Stags. Mga gutom na koponan ang Mapua at San Sebastian!