Nakaiwas ang MIT Cardinals sa posibleng play-off para sa No. 3 spot matapos itala ng Mapua ang ikasiyam na panalo sa kabuuang 14-laro na nagselyo ng kanilang kapit sa ikatlong posisyon.
Nalaglag ang SSC Stags sa No. 4 bunga ng pitong talo sa 14-laro habang ang top two spots ay nasiguro na ng host Colegio de San Juan de Letran at ng defending champion Philippine ChrIstian University na kapwa magbibitbit ng twice-to-beat advantage patungo sa Final Four na magsisimula sa Septem-ber 9.
Dahil dito, ang semi-final pairing ay Mapua kontra sa PCU Dolphins at Letran Knights kontra sa San Sebastian.
Isang solidong perfor-mance ang naasahan ng Cardinals mula kay Ian Mazo, na bagamat 10-minuto lamang naglaro ay nakapag-ambag ito ng 19-puntos bukod pa sa tatlong rebounds, tatlong assists at isang steal.
Sa larong ito, nagtala ang Mapua ng season-high na 30 assists na tumalo sa 21 ng Stags noong July 13 (kalaban ang San Beda), at season-high na 20 steals na tumalo sa 13 ng University of Perpetual Help System Dalta noong July 22 (laban sa San Beda).
Tumapos ang Rookie of the Year contender na si Kelvin dela Peña ng 16 points, 12-puntos kay Jeoferson Gonzales at 10-puntos kay Jerby del Rosario para sa Mapua na unang umiskor ng 100-puntos.