Warriors hinarang ng Archers
September 2, 2005 | 12:00am
Minsan pang pinatu-nayan nina Franz at Din-do Pumaren na walang kapa-kapatid pagdating sa basketball court.
Humakot si Joseph Yeo ng 19 puntos, 3 re-bounds at 3 assists para pigilin ng nagdede-pensang De La Salle University ni Franz ang pagpasok ng University of the East ni Dindo Pumaren sa Final Four sa pamama-gitan ng 86-83 panalo sa overtime sa second round ng UAAP mens basket-ball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.
Dalawang krusyal na tres ni JV Casio sa exten-sion period ang nagbigay sa La Salle ng 7-4 karta-da, kasama rito ang isang two-game winning run, sa ilalim ng 9-1 ng FEU, 8-2 ng Ateneo, 8-4 ng UE at 6-6 ng UP, sinibak ang host Adamson mula sa 70-63 pananaig sa inisyal na laban.
Isang undergoal stab ni Cholo Villanueva ang naglagay sa Green Ar-chers sa overtime, 74-74, matapos agawin ng Red Warriors ang 74-72 la-mang sa huling 1.8 tikada ng 4th-quarter matapos mabaon sa 66-72 rito.
Tatlong dikit na free-throws nina Jun-Jun Ca-batu at Rico Maierhofer sa nalalabing 44.2 tikada sa overtime ang sumelyo sa panalo ng Green Archers.
Napatalsik naman sa huling 13.7 segundo ng fi-nal canto si coach Mel Alas ng Adamson, may 3-9 mar-ka sa ilalim ng 3-8 ng UST, nang sugurin at isalya si referee Jun Marave bunga na rin ng magkakasunod na foul out nina Ken Bono, Patrick Tiongco, Leo Canu-day at Jeff Tajonera.
Para maagaw ang No. 4 slot sa Final Four, kaila-ngan ng UP na manalo kontra sa La Salle at UE. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended