12 piling Pinoy athletes, nahirang bilang Ambassadors ng 23rd SEA Games

Ang lahat ng medalya at tropeo pag pinagsama ay mahirap bilangin.

Ito ang dahilan kung bakit napili ang 12 Pinoy na ito bilang Ambas-sadors ng 23rd South-east Asian Games. Sila ang pinakamatayog na simbolo ng athletic ex-cellence na galing sa ating bansa, at nasa pahina ng kasaysayan ng Philippine sports.

"To belong to this group of winners and world champions, it’s really an honor," ani basketball great Allan Caidic.

Makakasama ni Cai-dic sina shooter Nathaniel ‘Tac’ Padilla, athletics greats Lydia de Vega-Mercado at Elma Muros-Posadas, bowler Paeng Nepomuceno, eques-trienne Mikee Cojuangco-Jaworski, swimmers Eric Buhain at Akiko Thomson, boxer Mansueto ‘Onyok’ Velasco, badminton queen Weena Lim, taek-wondo jin Monsour del Rosario at billiards legend Efren ‘Bata’ Reyes.

Ang mga talatang tulad ng international veteran, fierce competitor at ‘somebody who loves the game,’ o salitang tulad ng legendary, champion at icon ang nagsasa-larawan sa 12 Pinoy-- mga atleta na sa kanilang kapanahunan ay nagtra-baho ng husto at ngayon ay Ambassadors, ang magsisilbing rallying point sa papalapit ng SEA Games na iho-host ng bansa.

"Being considered an Ambassador, it’s a serious commitment to the coun-try," ani Padilla. "It’s not just about inspiring people to watch the Games. It’s also about getting them involved."

Show comments