PCU Dolphins umupo na sa Final 4

Pumuwesto sa kani-lang dapat kalagyan ang Philippine Christian Uni-versity bilang nagdede-pensang kampeon.

Ibinulsa ng Dolphins ang No. 2 ticket sa Final Four matapos iskoran ang Mapua Cardinals, 66-57, tampok ang 22 pun-tos, 4 boards, 3 assists at 3 steals ni Robert Sanz, sa second round ng 81st NCAA men’s bas-ketball tournament kaha-pon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagawang kunin ng PCU, may 10-3 kartada ngayon, ang naturang silya kasama ang ‘twice-to-beat’ edge sa Final Four nang wala si mentor Junel Baculi, nabigyan ng isang one-game suspen-sion.

"Actually, maraming plays na ibinigay si coach Junel para sa game na ito, pero binawasan ko lang para madaling maintindihan ng mga players," ani assis-tant coach Joel Dualan, isang four-year PBA veteran. "Pero talagang ibinigay ng mga players ang larong ito para kay coach Junel."

Isang 15-point lead, 53-38, ang kinuha ng Dolphins buhat sa basket ni Caloy Cecilia sa huling 2:40 ng third period mula sa maikling 33-30 lamang sa Cardinals sa first half.

Sa likod ni Joferson Gonzales, tumipa ng 14 marka, naidikit ng Mapua ang laban sa 47-53 sa 8:11 ng final canto bago muling nakalayo ang PCU sa 62-48 galing sa dalawang sunod na basket nina Sanz at Beau Belga sa huling 4:41 nito.

Sa unang laro, siningil naman ng host Letran ang kanilang ika-12 panalo sa loob ng 13 laban mula sa 65-46 pananaig kontra sa five-time champions San Sebastian, may 7-6 rekord, at posibleng makatulak ng playoff sa Mapua para sa No. 3 slot.

Sa juniors division, iginupo naman ng San Sebastian Staglets (10-2) ang Letran Squires (8-3) sa pamamagitan ng 80-60 panalo.

Show comments