^

PSN Palaro

Sports leaders ipapatawag ng Senado

-
Nakatakdang ipatawag ngayong hapon ni Senate Committee on Games, Amusement and Sports chairman Sen. Lito Lapid ang mga pangunahing sports leaders para talakayin ang ginagawang paghahanda para sa 23rd Southeast Asian Games.

Kabilang sa mga inimbi-tahan ni Lapid sa pulong na nakatakda ngayong ala-1 ng hapon ay sina Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) chairman Roberto Pagdanganan, Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. at Philippine Sports Commission (PSC) chief William ‘Butch’ Ramirez.

Inaasahang tatanungin ng dating action star ang estado ng preparasyon ng 2005 Philippine SEA Games, nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Kasama rin sa mga opisyales na dadalo sa nasabing pulong sa Senado sina POC chairman Robert Aventajado, dating POC lady president Ms. Cristy Ramos, National Training Director Michael Keon at ang kinatawan ng International Olympic Committee (IOC) sa bansa na si Francisco Elizalde.

Hindi pa rin napupunan ng PHILSOC ng karagdagang pondo ang tinatarget nilang P800 milyon hanggang P1.2 bilyong panggastos sa 2005 SEA Games.

Nauna nang nangako si Lapid na maglalaan siya ng P50 milyon bilang tulong sa PHILSOC.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasok sa PHILSOC kahit isang sentimo mula sa dating Gobernador ng Pampanga.

Maliban sa naturang mga opisyales, inimbitahan rin ng komite ni Lapid ang mga pangulo ng 40 National Sports Associations (NSA)s. (Russell Cadayona)

AMUSEMENT AND SPORTS

FRANCISCO ELIZALDE

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

LAPID

LITO LAPID

MS. CRISTY RAMOS

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NATIONAL TRAINING DIRECTOR MICHAEL KEON

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with