^

PSN Palaro

8 golds sinilo ng RP cyclists

-
Humakot ng walong gintong medalya ang mga Filipino cyclists sa Chiang Mai velodrome sa ginaganap na Queen’s Cup Cycling Champion-ships sa Thailand na nagpalakas sa tsansa ng mga Pinoy sa paghahari sa track com-petition sa nalalapit na 23rd Southeast Asian Games.

Sumungkit ng dala-wang ginto si Jan Paul Morales -- sprint (11.72 seconds) at 20 laps scratch race-- at Nilo Estayo, isang beterano ng Tour na ang talento ay nagniningning ng husto sa track, makaraang manguna sa Keirin-- upang banderahan ang pananalasa ng mga Pinoy sa 333.33 meter concrete velodrome na ginamit noong mag-host ang Chiang Mai noong 1995.

Bukod kay Estayo, ang iba pang gold medal winners ay sina Arnold Marcelo (53 points) sa 25-km points race, Edwin Paragoso sa elimination race, Alfie Catalan sa 4-km individual pursuit, Joeffrey Talaver sa 1-km individual time trial at Paterno Curtan at muli sina Talaver at Estayo sa team sprint.

Ang team ay binubuo ng walong riders, na kalahati nito ay mga first-timers sa abroad na sina Morales, Marcelo, Alvin Benosa at Paragoso.

Nakopo naman ni Marcelo ang silver medals sa 4-km individual pursuit at 20-km scratch race, at muli si Talaver sa keirin, Benosa sa 25-km points race, Catalan sa elimina-tion race at Estayo sa 1-km ITT. Sinungkit ni Paragoso ang gold sa sprint race bronze medal at Marcelo sa elimination race.

"The boys‚ times are on track," ani Jomel Lo-renzo. Pinili ng PhilCycling coaching staff ang Southeast Asian races-- bukod pa sa Asian Mountain Bike Cham-pionships na ginanap sa Bali at Tour of Indonesia sa September-- bilang foreign exposures ng Nationals.

ALFIE CATALAN

ALVIN BENOSA

ARNOLD MARCELO

ASIAN MOUNTAIN BIKE CHAM

CHIANG MAI

CUP CYCLING CHAMPION

EDWIN PARAGOSO

ESTAYO

MARCELO

RACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with