Nag-enjoy kami sa MGB Cup
August 30, 2005 | 12:00am
Super fun at to the max ang ginanap na 4th MGB Cup badminton tournament sa Intramuros Badminton Center noong Sabado.
After 3 MGB CUP, na-engganyo kami sa Pilipino Star Ngayon na sumali sa tournament.
Enjoy to the max kami kahit na mga talunan, hindi pa rin umayaw. Hindi nga nakaramdam ng kapaguran ang halos lahat ng sumali.
Palibhasa, first timer, (Class C) kahit kakilala mo ang kalaban may konting kaba pa rin. Mas lalo nga akong kinabahan ng sa ikalawang laro ko kasama ang kapartner na si Angie Isidro ng PSN Accounting laban sa PSN editors na sina Jojo Cruz at Jo Abelgas eh mismong ang STAR Group of Publication president and CEO na si Miguel Belmonte ang nag-umpire.
Siyempre, kakabahan ka talaga dahil bukod sa bossing mo na yon eh magaling na badminton player din. Pero noong una lang naman dahil habang naglalaro na kami ay nawala na rin naman.
To the max din ang mga hatawan at palitan ng shuttle-cock. Ang ending win naman kami, kaya lang eliminated pa rin dahil talo kami doon sa una naming laban kina Emma Doroteo at Irene Llupar ng PSN Accounting na eventually ay runner-up kina Margie Ebio at Rose Mon-sura-- ang champion sa ladies Class C.
Ang iba pang nag-champion sa ibat-ibang division ay sina Kris Gabitan at Annie Gabitan (Class B), Julie Reyes at Janet Barrenachea (Class A). Runner up sa Class B sina Imee Manzon at Ayvi Cruz at sa Class A sina Babes Adriano-Joyce Uy. At sa mens naman sina Carlo Sabalboro at Freddie Giron (champion) Leo Alisgar at Bening Batuigas (runner-up) sa Class C. Gerald Ortega-Gio Coquilla (champion) Bong Martinez-Joel Trisalbon (runner-up) sa Class B at Gil Gacuma-Duke Dioso (champion) at Elmer Bacasmas-Eugene Bacasmas (runner-up) sa Class A.
Congrats sa lahat ng nagwagi at sa lahat ng sumali. Hindi bale bawi na lang tayo sa susunod na MGB Cup kaya bitbitin na uli ang mga raketa at simulan nang magpraktis.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am