Itoy makaraang umitin ng RP-San Miguel Beer ang unang international title matapos na maungu-san ang Alaska Aces sa makapigil hiningang 70-67 panalo noong Linggo ng gabi sa championship match ng 5th Shell Rimula Cup dito sa National In-door Stadium.
Tinanghal si Jayjay Helterbrand na Tourna-ment Most Valuable Pla-yer na siyang kumana ng krusiyal na tres sa huling minuto ng sagupaan na nagselyo ng korona para sa Nationals at premyong $20,000.
"Give the credit to the players, to the San Miguel Corporation management especially to Mr. Ramon Ang and PBA Commis-sioner Noli Eala because this is their project," ani RP mentor Chot Reyes na ibinulsa ang kanyang unang international title.
"This was supposed to be our culminating tourna-ment for the FIBA-Asia Championship in Doha, Qatar. Unfortunately, that wont happen," dagdag pa ni Reyes.
Tumapos naman si Asi Taulava ng 14 puntos at 11 rebounds, habang nagdagdag si Tony dela Cruz ng 12 para sa Na-tionals na minasaker ang Toshiba Brave Thunders ng Japan, 94-66.
Pinatalsik naman ang head coach ng Aces na si Tim Cone sa pagtatapos ng first period ng referee na si Roberto Ting dahil sa patuloy nitong pagre-reklamo at nakuntento lamang sa $10,000.