^

PSN Palaro

May titulo na ang RP-SMB

-
BRUNEI -- Muling nai-balik ng Philippine basket-ball ang respeto sa Asian region.

Ito’y makaraang umitin ng RP-San Miguel Beer ang unang international title matapos na maungu-san ang Alaska Aces sa makapigil hiningang 70-67 panalo noong Linggo ng gabi sa championship match ng 5th Shell Rimula Cup dito sa National In-door Stadium.

Tinanghal si Jayjay Helterbrand na Tourna-ment Most Valuable Pla-yer na siyang kumana ng krusiyal na tres sa huling minuto ng sagupaan na nagselyo ng korona para sa Nationals at premyong $20,000.

"Give the credit to the players, to the San Miguel Corporation management especially to Mr. Ramon Ang and PBA Commis-sioner Noli Eala because this is their project," ani RP mentor Chot Reyes na ibinulsa ang kanyang unang international title.

"This was supposed to be our culminating tourna-ment for the FIBA-Asia Championship in Doha, Qatar. Unfortunately, that won’t happen," dagdag pa ni Reyes.

Tumapos naman si Asi Taulava ng 14 puntos at 11 rebounds, habang nagdagdag si Tony dela Cruz ng 12 para sa Na-tionals na minasaker ang Toshiba Brave Thunders ng Japan, 94-66.

Pinatalsik naman ang head coach ng Aces na si Tim Cone sa pagtatapos ng first period ng referee na si Roberto Ting dahil sa patuloy nitong pagre-reklamo at nakuntento lamang sa $10,000.

ALASKA ACES

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONSHIP

CHOT REYES

JAYJAY HELTERBRAND

MOST VALUABLE PLA

MR. RAMON ANG

NATIONAL IN

NOLI EALA

ROBERTO TING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with