Sinabi ni Cebu City Sports Commission (CCSC) chair-man Jonathan Guardo na alam na alam na ng mga Cebuano ang magaganap sa 2005 SEA Games.
"Although more Cebuanos are already aware of the coming Southeast Asian Games, but I think we have to work more on that aspect," ani Guardo. "But were doing that right now and in fact, as early as June nag-start na kami ng radio and television campaign."
Ang anim na sports events na pamamahalaan ng Cebu City ay ang cycling, dance-sports, karatedo, judo, pencak silat at sepak takraw.
"Siguro the billboards and the streamers will be put up hopefully this coming Sep-tember para talaga full-blown na ang campaign namin sa mga Cebuanos," wika ni Guardo.
Idaraos ang cycling sa Durano Sports Complex sa Danao City, habang ang judo at karatedo ay isasagawa sa Mandaue Coliseum sa Man-daue City at ang dancesports ay sa Waterfront Hotel sa Lahug, Cebu City.
Gagawin naman ang sepak takraw sa University of San Carlos Gym sa Cebu City, samantalang ang pencak silat ay sa Cebu Coliseum.
Kamakailan ay nakuha na ng Cebu City ang hinihingi nilang P10 milyong pondo mula sa Malacañang. (RC)