^

PSN Palaro

RP-5, Alaska ‘di magkikita sa semis knockout game

-
BRUNEI --Nangyari ang gustong senaryo ng dala-wang Philippine team na magkakaroon ng pagkaka-taong maisagawa ang kanilang paghihiganti.

Hindi magkikita sa semifinals ang RP-San Miguel Beer at Alaska sa knockout semifinal round nang sibakin ng SK Knights ng South Korea ang Toshiba Brave Thunders ng Japan, 99-79, para maging top team pagkatapos ng elimination round ng 5th Shell Rimula Cup noong Biyernes ng gabi dito sa National Indoor Stadium.

Ang 20-point victory ng South Koreans ang nag-luklok sa kanila sa No. 1 spot sa semifinals kagabi dahil sa superior quotient laban sa Nationals at Japan.

Nagtapos ang SK Knights, RP-SMB at Toshiba sa elimination round na may pare-parehong 4-1 ngunit nakuha ng Koreans ang No. 1 dahil sa kanilang +40 sa quotient.

Ang Nationals, na nakaungos sa SK Knights noong Miyerkules ng gabi, 97-95, ay +20 para makuha ang second spot habang ang Japan na nawakasan ang four-game winning streak ay +10 para sa No. 3 spot.

Ang Aces, na nagpormalisa ng kanilang pagpasok sa semis via 115-43 pagdurog sa Warriors All-Star ang No. 4 spot sa four-nation six-team cagefest.

Ang mananalo sa semis ay uusad sa knockout championship na gaganapin ngayon.

Ang mga matatalo ay maglalaban para sa konsolasyong third place.

Ang champion ay tatanggap ng $20,000 habang $10,000 sa runner-up, $7,000 sa third at ang fourth-place ay $5,000.

ANG ACES

ANG NATIONALS

BIYERNES

NATIONAL INDOOR STADIUM

SAN MIGUEL BEER

SHELL RIMULA CUP

SOUTH KOREA

SOUTH KOREANS

TOSHIBA BRAVE THUNDERS

WARRIORS ALL-STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with