^

PSN Palaro

Warriors dinagit ng Blue Eagles

-
Kasabay ng pagkabi-tin ng asam nilang pag-bulsa sa unang tiket sa Final Four, nalaglag rin ang University of the East sa ikatlong puwesto.

Ito ay matapos talunin ng ruma-ratsadang Ate-neo Blue Eagles ang Red War-riors sa bisa ng 75-69 pananaig para angkinin ang ikalawang posisyon sa se-cond round ng 68th UAAP men’s bas-ketball tourna-ment kaha-pon sa Ara-neta Coli-seum.

Sa sina-sakyang seven-game winning streak ngayon, naiposte ng Ate-neo ang 8-2 ba-raha para sume-gunda sa lider na Far Eastern University (8-1) at kasunod ang UE (8-3), nagdedepensang La Salle (5-4) at UP (5-5).

Sa unang laban, isang kusyal na tres naman ang isinalpak ni forward Warren De Guzman upang tulungan ang four-time champions Univer-sity of Sto. Tomas sa 65-62 panalo kontra host Adamson Falcons.

Kumolekta si De Guzman ng 15 marka para wakasan ng Growl-ing Tigers ang kanilang dalawang sunod na kamalasan at tumabla sa Falcons sa magkatulad nilang 3-8 rekord kasunod ang 0-9 ng NU Bulldogs.

Naging sandigan ng Blue Eagles ang inilunsad na 15-6 atake nina L.A. Tenorio, Magnum Mem-brere at Martin Quimson sa fourth quarter upang kunin ang 66-49 bentahe laban sa Red Warriors, nagwakas ang four-game winning run, sa huling 5:25 nito.

Nauna rito, itinarak muna ng Katipunan-based cagers ang isang 18-point lead sa 44-26 buhat sa basket ni Doug Kramer sa 6:41 ng third period hanggang makadi-kit ang UE sa pagsasara nito, 43-51. (RC)

ADAMSON FALCONS

BLUE EAGLES

DE GUZMAN

DOUG KRAMER

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

LA SALLE

MAGNUM MEM

MARTIN QUIMSON

RED WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with