^

PSN Palaro

Emosyon ni Espinas katumbas ang kabiguan ng Dolphins

-
Ang katumbas ng emosyon ni Gabby Espi-nas ay ang pagkatalo ng nagdedepensang Philip-pine Christian University.

Dalawang freethrows ni Leo Najorda mula sa unsportsmanlike foul ng 6-foot-5 center sa huling 28.3 segundo ang nagre-sulta sa 81-75 tagumpay ng five-time champions San Sebastian Stags sa Dolphins na bumuo sa Final Four ng 81st NCAA men’s basketball tourna-ment kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang nasabing three-game winning streak ng San Sebastian ang nagbi-gay sa kanila ng No. 4 slot sa Final Four at 7-4 rekord sa ilalim ng host Letran (11-1), PCU (9-3) at Mapua (8-4).

"Hindi ko masasabing kaya kong dalhin ang San Sebastian sa champion-ship kasi malalakas talaga ‘yung ibang teams," sabi ng 23-anyos na first overall draft pick ng Red Bull na si Najorda.

Sinarhan na rin ng pintuan ng Stags para sa Final Four ang Perpetual Altas (5-8) at St. Benilde Blazers (5-8), bumigo sa talsik na ring San Beda Red Lions sa overtime, 91-86, sa ikalawang laban para sa 3-10 marka ng huli kasunod ang Jose Rizal University Heavy Bombers (2-11).

"After manalo nu’ng San Sebastian, sinabi ko sa team na we still have to play 100 percent be-cause we want to end the tournament on a high note," ani mentor Caloy Garcia sa Blazers.

Isang siko naman ni Espinas sa likod ni Na-jorda ang nagresulta sa kanyang unsportsmanlike foul para sa dalawang freethrows ng 2003 NCAA Most Valuable Player (MVP) awardee sa huling 28.3 segundo ng fourth quarter na umiwan sa Dolphins sa 79-75.

Dalawang charities pa ang ikinonekta ni guard Mark Lindaya na naglayo sa San Sebastian sa PCU sa 81-75 sa nalalabing 21.5 tikada.

Sa high school class, ginitla naman ng Baby Dolphins (5-6) ang Stag-lets (9-2) mula sa 87-81 panalo. (Ulat ni R.Cadayona)

vuukle comment

BABY DOLPHINS

CALOY GARCIA

CHRISTIAN UNIVERSITY

CUNETA ASTRODOME

DALAWANG

FINAL FOUR

GABBY ESPI

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LEO NAJORDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with