"We talked to some teams at ang hinihingi nila eh either Kerby (Raymundo) and James (Yap). So initial talks pa lang, wala na," ani Gregorio sa isang pakikipagpanayam sa kanilang practice sa Adidas Camp sa The Fort. "So we are working individualy on our skills development."
Inamin ni Gregorio na kailangan nila ng big guy para sa nalalapit na Reinforced Conference ng Philippine Basketball Association na magbubukas sa October 8.
"We need a big guy who can man the slot in the middle. Im hoping that our import ang magiging sagot dito," ani Gregorio.
Tinitignan ng Purefoods ang mga dating imports na sina Marcus Melvin at si Lenny Cooke ngunit posibleng magkaroon ng problema ang una sa 66 height ceiling na itinakda ng PBA habang inaalala naman ni Gregorio na maaaring may epekto pa rin ang injury sa achilles ng huli.
"Ussualy in an import Conference, 70% of the chance of winning a championships depends on the import," ani Gregorio na tinitignan din ang kanyang option na kumuha ng baguhang import.
Kasalukuyang nagtra-tryout sa Purefoods ang mga rookies na sina Jondan Salvador at BJ Manalo kung saan minamataan ni Gregorio na kunin ang una.
Nag-aagawan naman para sa No. 1 slot sina Alwin Espiritu, Gerard Jones, Rysal Castro at Eugene Tejada. (Ulat ni CVOchoa)