^

PSN Palaro

Tulong ng Kongresista ikinatuwa ng PSC

-
May maitutulong rin pala ang mga Kongresista sa Philippine sports.

Ikinasiya ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagbibigay ng pangakong suporta ng ilang miyembro ng Kongreso para sa pamamahala ng Pilipinas sa darating na 23rd Southeast Asian Games.

"It was a very good gesture by our Congressmen. Talagang malaking tulong ang kanilang mga pangako para maging successful ang pagho-host natin ng 2005 Southeast Asian Games," sabi kahapon ni Ramirez.

Nangako ang ilang miyembro ng Kongreso, sa pamumuno nina House Committee on Youth and Sports Development chairman Rep. Renato Unico ng Pampanga at Rep. Monico Puentevella ng Bacolod City, ng P20 milyon para sa naturang biennial event.

Ang naturang pondo, ayon kina Unico at Puen-tevella, kapwa nangako ng tig-P2 milyon, ay kukunin ng Department of Budget and Management (DBM) sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ‘pork barrel’.

Pondong mula P800 milyon hanggang P1.5 bilyon ang kinakailangan ng Philippine SEA Games Orga-nizing Committee (PHILSOC) para pangasi-waan ang 2005 SEA Games sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pinaplantsa na ng PHILSOC para sa pormal na pag-aabot ng DBM sa naturang pangako ng mga Kon-gresista.

Susunod namang tratrabahuhin ng PHILSOC ang Senado kung saan nagpadala si POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco ng mga personal na sulat sa mga miyembro ng Upper House upang humingi ng kanilang tulong na inaasahang matatanggap ng mga Senador bukas. (Ulat ni Russell Cadayona)

BACOLOD CITY

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GAMES ORGA

HOUSE COMMITTEE

ISANG MEMORANDUM OF AGREEMENT

KONGRESO

MONICO PUENTEVELLA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with