^

PSN Palaro

Gatorade tutulong sa kampanya ng SEAG

-
Hindi lamang sa pi-nansiyal, kundi sa aktuwal na kompetisyon tutulong ang Gatorade sa kam-panya ng bansa para sa nalalapit na 23rd South-east Asian Games na gaganapin sa November 27 hanggang December 5.

Bukod sa cash spon-sorship, magbibigay din ang Gatorade ng kanilang produkto para sa mga atleta na makakatulong sa kanila sa aktuwal na kompetisyon at higit sa lahat ay ang siyentipikong paraan ng paghahanda bago sumabak na kom-petisyon.

Ito ay sa pamamagitan ng Gatorade Sports Science Institute (GSSI), isang research at educa-tional facility na nakatuon sa pagtulong sa mga atleta na pangalagaan ang kalusugan at palaka-sin ang kanilang perfor-mance sa pamamagitan ng research at edukasyon sa ‘hydration at nutrition science.

"Gatorade is currently not directly involve in preparation of our athletes in the SEA Games but we intend to help in three aspects - cash, product and education through GSSI," pahayag ni Clars Guer-rero, ang marketing manager ng Gatorade sa press conference na ginanap sa adidas Camp sa The Fort kahapon para ilunsad ang Hydration Education and Athletic Training (HEAT) program ng GSSI na sinubukan sa Talk N Text team ng PBA na nagsasagawa ng kani-lang ensayo kahapon.

Ang HEAT program ay nakatuon sa tamang hydra-tion at impact sa pagpapa-natili ng kalusugan at pagpa-paunlad ng athletic perfor-mance na ibabahagi ng Gatorade sa mga atleta sa pamamagitan ng mga semi-nars at conventions na isasa-gawa nina GSSI senior scientist Dr. Xiaocai Shi, ang exercise physiology scientist na si Kris Osterberg at ang kilalang si Dr. George Canlas na kinatawan ng bansa sa GSSI Asia Advisory Board. (CVOchoa)

ASIA ADVISORY BOARD

ASIAN GAMES

CLARS GUER

DR. GEORGE CANLAS

DR. XIAOCAI SHI

GATORADE

GATORADE SPORTS SCIENCE INSTITUTE

HYDRATION EDUCATION AND ATHLETIC TRAINING

KRIS OSTERBERG

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with