Washington-De Ocampo trade walang mangyayari
August 25, 2005 | 12:00am
Tila hindi magbubu-nga ang Anthony Wa-shington-Yancy De Ocampo trade.
Sa kasalukuyan, wa-lang negosasyong naga-ganap sa pagitan ng Talk N Text at ng Air21 na nag-alok sa Phone Pals ng kanilang top draft pick na si Washington upang mai-balik sa kanilang kampo si De Ocampo na sasagot sa kanilang problema sa lehitimong sentro.
Sa pakikipagpanayam kay Phone Pals coach Joel Banal sa kanilang ensayo sa adidas Camp sa The Fort, hindi sila handang pakawalan si De Ocampo sa kasalukuyan.
"We definitely want Washington in our team. lahat naman ng team interested sa kanya but the question is, what suitable trade that can please Air21," wika ni Banal.
Ayon kay Banal, ang tangi nilang maibibigay sa Air21 ay ang kanilang future first round draft pick dahil malaki ang mawa-wala sa kanila kung si De Ocampo ang kanilang ibibigay na isinailalim nila sa training camp sa Amerika.
"Yancy played im-pressived for us in the last conference," ani Banal. "He gave us what we need when Asi (Taulava) wasnt there."
Kailangang pag-isipang mabuti ng Phone Pals ayon kay Banal ang palitang Washington-De Ocampo at hihintayin pa nila ang pagbabalik ni team manager Frankie Lim na kasalukuyang nasa United States para maghanap ng kanilang import para sa nalalapit na Reinforced Conference ng PBA na magsisimula sa Oktubre.
Sa katunayan, sinabi ni Banal na buo na ang kanyang team dahil sa pagbabalik ni Taulava at ang pagdating ng mga rookies na sina Macmac Cardona ang fifth pick ng Air21 na nakuha nila kapalit ni Patrick Fran at ni Leo Avenido.
"With Asi back in the game and with Macmac (Cardona) and Avenido bringing the young blood, were already a conten-der," sabi ni Banal. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest