Hataw ang PHILSOC
August 23, 2005 | 12:00am
Paspasan na talaga ang ginagawa ng PHILSOC sa pagpapadala ng mga istorya tungkol sa preparasyong isinasagawa nila para sa pagho-host ng Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa sa Nobyembre.
Araw-araw ay may mga istorya silang lumalabas sa mga pahayagan para ipadama na malapit na nga talaga ang SEA Games.
Gayunpaman, kulang pa rin ang effort nila dahil hindi pa rin aware ang ating mga kababayan tungkol sa SEA Games.
Kunsabagay, hindi naman talaga puwedeng agad-agarin ito. Kailangan isa-isahin ito at dapat pagtulung-tulungan.
Kaya naman kayod marino ngayon si PSC chairman Butch Ramirez para masigurong magiging matagumpay ang ating pagho-host.
Siyempre, ayaw naman nating mapahiya no?
Ito ang ikatlong pagkakataon na iho-host natin ang SEA Games pero sa pagkakataong ito, hindi lamang sa iisang lugar kundi maraming lugar sa ating bansa ang pagdarausan nito.
Marami na nga ang nagtatanong tungkol sa mga venues ng SEA Games dahil bawat Filipino iba-iba ang gustong sports o hilig at gustong panooriin.
Guest sa Homeboy ni Boy Abunda ang mag-sweetheart na sina Kris Aquino at James Yap kahapon. At as usual, si Kris naman ang bangka sa usapan dahil hindi naman talaga palaimik itong si James. At doon sa mga nakapanood, ayon sa kanila talaga daw in-love na in love si Kris kay James dahil talagang blooming at glowing ang kanyang mga eyes.
Sabi ni James, mabait at magaling at masarap magluto si Kris na ilan sa katangiang gusto ni James sa kanyang lady love.
Pero hanggang ngayon, hindi pa rin umaamin ang dalawa na nagpakasal na sila bagamat marami ang nagsasabi true ang balitang ito. Eh kasi bakit ba naman kailangang mauna pa tayong makalaam kaysa doon sa magsing-irog no? Lalabas din naman ang totoo at hindi naman nila itinatago ang katotohanan. At lahat naman yata ng babae ay gustong ipangalandakan ang kanyang pagpapakasal sa kanyang minamahal.
Ngayon pa ba namang walang sabit ang love ni Kris ngayon pa pagdududahan ang kanyang pagpapakasal dito?
Hintayin na lang kasi natin.
Araw-araw ay may mga istorya silang lumalabas sa mga pahayagan para ipadama na malapit na nga talaga ang SEA Games.
Gayunpaman, kulang pa rin ang effort nila dahil hindi pa rin aware ang ating mga kababayan tungkol sa SEA Games.
Kunsabagay, hindi naman talaga puwedeng agad-agarin ito. Kailangan isa-isahin ito at dapat pagtulung-tulungan.
Kaya naman kayod marino ngayon si PSC chairman Butch Ramirez para masigurong magiging matagumpay ang ating pagho-host.
Siyempre, ayaw naman nating mapahiya no?
Ito ang ikatlong pagkakataon na iho-host natin ang SEA Games pero sa pagkakataong ito, hindi lamang sa iisang lugar kundi maraming lugar sa ating bansa ang pagdarausan nito.
Marami na nga ang nagtatanong tungkol sa mga venues ng SEA Games dahil bawat Filipino iba-iba ang gustong sports o hilig at gustong panooriin.
Sabi ni James, mabait at magaling at masarap magluto si Kris na ilan sa katangiang gusto ni James sa kanyang lady love.
Pero hanggang ngayon, hindi pa rin umaamin ang dalawa na nagpakasal na sila bagamat marami ang nagsasabi true ang balitang ito. Eh kasi bakit ba naman kailangang mauna pa tayong makalaam kaysa doon sa magsing-irog no? Lalabas din naman ang totoo at hindi naman nila itinatago ang katotohanan. At lahat naman yata ng babae ay gustong ipangalandakan ang kanyang pagpapakasal sa kanyang minamahal.
Ngayon pa ba namang walang sabit ang love ni Kris ngayon pa pagdududahan ang kanyang pagpapakasal dito?
Hintayin na lang kasi natin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended