^

PSN Palaro

Holper, Hubalde pumirma na

-
Dalawa pang rookies ang nakasigurong maka-kalaro sa Philippine Basketball Association matapos pumirma ng kontra-ta sa kani-kanilang koponan.

Pormal n isinelyo nina Michael Holper at ni Paolo Hubalde ang kani-kanilang paglalaro sa Baran-gay Ginebra at San Miguel Beer matapos pumirma ng kontrata kahapon ayon sa pagkakasunod.

Si Holper ay pumirma ng dalawang taong kontrata habang tatlong taon naman para sa dating UE Red Warrior na si Hubal-de ngunit ayaw ibunyag ng kani-kanilang teams kung magkano ang hala-ga ng kanilang kontrata.

Si Holper ay ang No.7 pick ng Gin Kings sa nakaraang PBA Annual Draft habang No. 8 na-man si Hubalde na naging malaking surpresa.

Sina Holper at Hubal-de ay dalawa sa pitong players ng player agent-manager na si Charlie Dy na nakuha sa PBA Draft.

Kabilang sa mga hawak na player ni Dy ay ang top draft pick na si Anthony Washington sa FedEx, second pick Alex Cabagnot sa Sta. Lucia, No. 3 pick Dennis Miranda sa Coca-Cola, No. 10 pick Cesar Catli sa Sta. Lucia, at 15th pick Mark Kong sa Alaska.

Unang nakapirma ng kontrata si Washington na nagkakahalaga ng P8.5 milyong tatlong taong kontrata sa Express no-ong nakaraang linggo ka-sunod si Kong na dala-wang taong kontrata.

Nagkasundo na si Ca-bagnot at ang Sta. Lucia at nakatakda na itong pumirma ngunit nagka-roon ng kaunting pagba-bago sa usapan na dahi-lan ng pagkaantala ng pir-mahan.

"Meron pang minor hitches sa kontrata," ani Dy. "Hopefully maayos namin at makapirma na si Cabagnot."

Kasalukuyan pang nakikipag-negosasyon si Dy sa Sta. Lucia para kay Catli. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALEX CABAGNOT

ANTHONY WASHINGTON

CARMELA OCHOA

CESAR CATLI

CHARLIE DY

DENNIS MIRANDA

GIN KINGS

HUBAL

KONTRATA

MARK KONG

SI HOLPER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with