"We will save for them and we will find a way to send them to China for their training," sabi ni PSC chairman William Butch Ramirez sa pipiliing halos 100 atleta para pagsa-nayin sa China sa Setyembre.
Ang mga sports na pagku-kunan ng mga atleta para sa preparasyon sa darating na 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre ay ang fencing, canoe/kayak, badminton, volleyball at football.
Ang naturang grupo ng mga atletang magtutungo sa China ay pangalawa na mata-pos ang tropa ng wushu, wrestling, gymnastics, weight-lifting at diving.
"All of these athletes have had excellent training in both Guangzhou and Guangxi," sabi ni National Training Director Michael Keon. "The chairman has given the green light to sending a second batch of athletes if money is available."
Ayon kay Keon, gumasta ang PSC ng P12 milyon para sa pagsasanay ng mga gym-nasts, wrestlers, weightlifters, divers at wushu artists sa loob ng dalawang buwan sa ilalim ng ilang Chinese Olympians at world champions.
"Hes still not a 100 percent sure about funding the second batch of athletes. In the mean-time, were pinpointing the NSAs (National Sports Asso-ciations) and were pinpointing how many athletes each NSAs will send. And then on that basis, we will try and see if we can come up with the required money," ani Keon.
Inaasahang aabot rin sa P12 milyon ang magagastos ng sports commission para sa pagsasanay ng ikalawang grupo ng mga atleta sa China. (Russell Cadayona)