Sa taas na 5-foot-10 la-mang, umangat si Castro sa come-from-behind na 57-51 panalo ng Dolphins laban sa University of Perpetual Help System Dalta na umangat sa 9-2 win-loss slate sa 81st NCAA mens basketball tour-nament.
Dahil wala sa porma nga-yon sina PCU big men Gabby Espinas, ang reigning Most Valuable Player (MVP), Beau Belga at Robert Sanz, si Castro ang nag-deliber upang igupo ang Perpetual.
Nakalapit ang Philippine Christian sa top-two na may biyayang twice-to-beat advan-tage kung saan nakakasiguro na ang host Colegio De San Juan de Letran.
Matapos ang tahimik na first half, gumawa ng ingay si Castro sa second half nang humataw ito ng 20 puntos, 11 nito ay galing sa pivotal fourth quarter bukod pa sa kanyang. two assists, two steals at isang shot block.
Dahil dito ay iginawad kay Castro ang NCAA Press Corps Player of the Week honors nang talunin nito sa botohan si Letran Aaron Aban ng Letran.
"What he did in the first half akala mo high school player lang siya eh. But in the second half, when it mattered most, pang-PBA na yung laro niya," wika ni PCU coach Junel Ba-culi ukol sa kanyang mahusay na guard mula sa Olongapo.