5-sunod DINAGIT NG EAGLES

Naideretso ng Ateneo De Manila University sa lima ang kanilang pag-arangkada, samantalang winakasan naman ng University of the Philip-pines ang kanilang apat na sunod na kamalasan.

Tinalo ng Ateneo Blue Eagles ang host Adam-son Falcons, 71-58, ha-bang binigo naman ng UP Fighting Maroons ang NU Bulldogs, 72-67, para patuloy na angkinin ang No. 3 at No. 5 spot sa second round ng 68th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.

Kumabig si point guard L. A. Tenorio ng 17 marka, 4 boards, 3 as-sists at 3 steals para itaas ang baraha ng Ateneo sa 6-2 sa ilalim ng 7-1 ng FEU at 7-2 ng UE at kasunod ang 5-3 ng nagdedepen-sang De La Salle, 5-4 ng UP, 2-7 ng Adamson, 2-7 ng UST at 0-8 ng NU.

"We just have to keep on improving, specially on defense and try to put the pressure on the ball," wi-ka ni Ateneo mentor Nor-man Black.

Nagpilit ang Falcons na makadikit matapos ang basket ni Jojo Hate para sa kanilang 43-54 agwat sa unang tatlong minuto ng final canto bago ang 9-3 blitz ng Blue Eagles na naglatag sa kanilang 63-46 bentahe sa huling 5:00 minuto.

Tuluyan nang sinelyu-han ni Tenorio ang kan-yang kabayanihan nang isalpak ang isang tres para sa 69-52 lamang ng Ateneo sa huling 3:01 ng laro.

Show comments