^

PSN Palaro

Paolo Hubalde may puwang sa PBA

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Marami talagang nagulat nang sungkitin ng San Miguel Beer sa first round si Paolo Hubalde dahil hindi inaasahang sa ganoong kataas na order makukuha ang manlalarong ito. Ito’y sa kabila ng pangyayaring ang ama ni Paolo na si Freddie Hubalde ay isa sa 25 PBA Greatest Players.

Kasi nga, parang maliit si Hubalde kung ang pusisyong off guard ang kanyang lalaruin sa PBA. Siyempre, kung off guard siya, mala-mang na hindi siya mabigyan ng playing time dahil sina Danny Seigle at Dondon Hontiveros na ang mga main men ng San Miguel sa posisyong ito. Nadagdag pa nga sa line-up ng Beermen si Christian Calaguio.

Pero pwede din namang maging point guard si Paolo gaya ng katukayo niyang si Paolo Mendoza na isang shooter noong nasa amateurs pero ngayon ay point guard na ng Sta. Lucia Realty.

Sinasabi kasi ng karamihan na pinaghahandaan na rin ng San Miguel Beer ang pusibilidad na kaunting playing time na lang ang malaro ni Olsen Racela na kanilang lead point guard. May mga balita ngang interesado sana ang San Miguel Beer kay LA Tenorio ng Ateneo Blue Eagles subalit hindi ito nag-apply para sa Draft.

Kumbaga’y magiging understudy muna si Hubalde ng mga tulad nina Racela, Anton Villoria at Denver Lopez. May lugar naman siya sa San Miguel matapos na ipamigay nito si Joey Mente sa Shell.

Mahabang proseso ito para kay Hubalde dahil ang orientation niya noon habang naglalaro sa University of the East Warriors ay ang pagiging shooter. Hindi na niya siguro magagawang umiskor ng 30 puntos kada laro dahil magko-concentrate siya sa pagdi-distribute ng bola. Kung magiging shooter pa rin siya, malamang na mas malalaki ang babantay sa kanya at mahihirapan na siyang gumawa ng puntos.

Tatlong taon ang kontratang pinirmahan ni Hubalde at sa panahong ito’y tiyak na made-develop siya bilang point guard.

Pinag-uusapan na rin lang si Paolo Hubalde, aba’y isa siya sa pitong manlalarong hawak ng player agent/manager na si Charlie Dy na napili sa nakaraang Draft.

Ang iba’y sina Anthony Washington, Dennis Miranda, Mark Kong, Michael Holper, Alex Cabagnot at Cesar Catli. Lahat ng mga ito’y makakapaglaro sa susunod na PBA season.

Si Washington, ang top pick ng Draft, ay pumirma ng P8.5 million three-year contract sa Air21. Si Miranda ay pipirma rin ng tatlong taong kontrata sa Coca-Cola. Si Kong ay pumirma ng two-year contract sa Alaska Aces. Dalawang taon din ang offer kay Holper ng Barangay Ginebra.

Medyo natigil ang negotiations para kina Cabagnot at Catli sa Sta. Lucia dahil sa pumanaw ang kapatid ni team manager Buddy Encarnado. Itutuloy ito sa susunod na linggo.
* * *
HAPPY birthday kay Nestor Racelis ng PTV Channel 4 na magdiriwang ng kaarawan bukas, Agosto 21.

vuukle comment

ALASKA ACES

ALEX CABAGNOT

ANTHONY WASHINGTON

ANTON VILLORIA

ATENEO BLUE EAGLES

HUBALDE

PAOLO HUBALDE

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with