^

PSN Palaro

Ateneo kakapit sa No. 3

-
Ang patuloy na pagka-pit sa No. 3 spot ang si-yang hangad ng Ateneo De Manila University, samantalang asam naman ng University of the Philippines na makaba-ngon mula sa kamalasan.

Haharapin ng Ateneo Blue Eagles ang host Adamson Falcons nga-yong alas-4 ng hapon ma-tapos ang banggaan ng UP Fighting Maroons at NU Bulldogs sa alas-2 sa second round ng 68th UAAP men’s basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Hawak pa rin ng Far Eastern University ang pamumuno mula sa kanilang 7-1 kartada ka-sunod ang University of the East (7-2), Ateneo (5-2), nagdedepensang De La Salle University (5-3), University of the Philip-pines (4-4), Adamson (2-6), University of Sto. To-mas (2-7) at National Uni-versity (0-7).

Nagmula ang Blue Eagles sa 91-75 paggiba sa Falcons noong Agosto 7 para sa kanilang four-game winning streak.

Kung pag-arangkada ang pakay ng Blue Ea-gles, ang pagputol naman sa kanilang five-game losing skid ang layunin ng Falcons ni Mel Alas.

Sa unang laban, ang pagwawakas sa kani-kanilang kamalasan ang nasa isipan ng Fighting Maroons at Bulldogs.

Nasa four-game los-sing slump ngayon ang UP, samantalang wala pang natitikmang panalo ang NU sa loob ng pitong asignatura. (Ulat ni RCadayona)

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ATENEO BLUE EAGLES

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EA

BLUE EAGLE GYM

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIGHTING MAROONS

MEL ALAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with