1-taon dapat ang preparasyon sa pagho-host ng SEA Games
August 19, 2005 | 12:00am
Isang taon ang kailangang panahon ng paghahanda ng isang bansa para sa Southeast Asian Games.
Ito ang opinion ni dating Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit ng fencing association sa nangyayari sa preparasyon ng bansa para sa 23rd SEA Games na nakatakda sa Nov. 27 hanggang Dec. 5.
"Hindi mangyayari yan sa akin," wika ni Dayrit sa nara-ranasang pagkagahol ngayon sa panahon ni POC chief Jose Peping Cojuangco, Jr. ng equestrian federation. "We should be ready a year before the SEA Games at hindi yung ilang months lang saka tayo maghahanda."
Ayon kay Dayrit, maraming dahilan kung bakit atrsado na sa paghahanda ang Philippine SEA Games Organizing Com-mittee (PHILSOC).
"You have to consider many things, kaya tayo huli sa prepa-ration natin. Like our current economic condition, our politi-cal situation at yung support ng gobyerno," sabi ni Dayrit, naging miyembro ng Manila SEA Games Organizing Com-mittee (MANSOC) nang gina-wa ang nasabing biennial meet sa bansa noong 1991.
Ang kakulangan sa pondo ang pangunahing nagpapasa-kit pa rin sa ulo ni Cojuangco sa PHILSOC kung saan kai-langan nila ng mula P800 mil-yon hanggang P1 bilyong panggastos.
At wala nang dapat pang sisihin, ayon kay Dayrit.
"Ganyan talaga. Nandiyan na yan. Siguro ang tanging magagawa na lamang natin ay magtulungan," ani Dayrit. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended