Asuncions nanaig sa Netherlands

ANAHEIM, California -- Umusad ang magkapatid na sina Kennievic at Kennie Asuncion ng Philippines sa third round matapos na igupo ang tandem nina Jurgen Wou-ters at Paulien Van Doorema-len ng Netherlands, 15-13, 15-9 sa mixed doubles ng 2005 IBF World Badminton Cham-pionships kahapon sa Arrowhead Pond dito.

Hindi naging hadlang sa 28th ranked Filipinos ang kanilang mabagal na pani-mula nang maiwanan sila ng Dutch na kalaban, 0-6 sa first set ngunit nagawang maka-bangon ng Asuncion siblings at agawin ang trangko sa 12-11.

Lamang pa rin ang mag-kapatid sa 14-12 at kai-langan na lamang nila ng tatlong game points upang makuha ang natu-rang set.

Susunod na hahara-pin ng Asuncions ang third-seed na sina Chen Qiqui at Zhao Tingtong ng China ngayong alas-6 ng umaga (Manila time).

Ang panalong ito ay lu-mukob sa kabiguan ni Kennievic na sinibak sa men’s singles competition ng world number one na si Lin Dan ng China, 15-3, 15-1.

Hindi nakaporma ang nakababatang Asuncion, ranked 94th sa buong mundo, kay Lin, na na-ngailangan lamang ng 20 minuto upang dispat-sahin ang Pinoy at itakda ang pakikipagharap kay Shoji Sato ng Japan.

Show comments