Sports patron pa rin si Big Boy Cheng at ang Uratex!
August 19, 2005 | 12:00am
Halos sigurado na ang casting sa Final Four ng NCAA: Letran, PCU, Mapua at San Sebastian College.
Ang tanging paraan para ma-out pa ang San Sebastian at Ma-pua ay kung matatalo ang lahat ng natitira pa nilang tatlong laro.
Pero mukhang milagro na ya-tang mangyari yan kaya halos nakakasiguro na sila sa No.3 and No.4 slots. Placings na lang ang paglalabanan nyang dalawa na yan dahil sa tingin ko rin naman, Letran na ang No.1 team at PCU naman ang No.2.
Tiyak na magandang Round of Four yan kapag sila ang naka-pasok dahil onbious namang sila ang may pinakamalakas na line-up this year. Maganda rin sana ang team ng San Beda kaya lang, napangunahan sila ng maraming talo nung first round.
Kung napa-aga sana ng pa-sok si Koy Banal eh baka nag-iba ang picture ng Red Lions this season. Sayang yan para sa San Beda talaga. May kaunti pang pag-asa ang San Beda at yan ay ang dapat, ma-straight nila ang last three games nila, at umasa sila na either ang SSC o MIT ay matalo rin sa last three games nila.
Playoff na lang ang pag-asa nila at napaka-slim na nyan.
Yan na rin ang natitirang pag-asa ng CSB at Perpetual Help.
Itong si Big Boy Cheng ng Uratex ay patron ng sports tulad ng kanyang late father.
Natatandaan ko a few years ago nung magbuo ng isang bas-ketball team itong si Big Boy at isinali nya sa mga basketball leagues. Nagkasama-sama noon ang ilang mga PBL players sa team niya.
Minsan ay may nag-suggest sa kanya na pumasok sa PBL pero umayaw siya dahil sa busy na siya sa kanilang negosyo mula nung mawala ang kanyang ama.
Pero ganun man, patuloy ang Uratex at si Big Boy sa pagsuporta sa iba't ibang sports project lalo na kung may patungkol sa golf.
Hindi naman nagsasara ng pinto si Big Boy sa pagbuo ng isang Uratex basketball team na balang araw eh isasali niya rin sa mga big basketball leagues.
Mabuti at mayroong isang avid supporter ang sports lalo na ng golf sa katauhan ni Big Boy Cheng at ng Uratex.
Ngayon natin malalaman kung sino sa mga na-pick nung PBA Drafting ang makakakuha ng kontrata sa PBA at kung sino rin sa kanila ang uuwi ng luhaan. Babalitaan namin kayo next week.
Tulungan nyo naman kami sa aming survey question for this week: Alin ang tatlong pinaka-popular na teams sa PBA?
Para sa kasagutan, type nyo lang ANSWERNAP (space) in-yong sagot (space) inyong panga-lan at i-send sa 34822, para sa Smart at Talk N Text subscribers.
Ibabase po namin ang kasa-gutan sa aming survey sa first 500 respondents.
Ang tanging paraan para ma-out pa ang San Sebastian at Ma-pua ay kung matatalo ang lahat ng natitira pa nilang tatlong laro.
Pero mukhang milagro na ya-tang mangyari yan kaya halos nakakasiguro na sila sa No.3 and No.4 slots. Placings na lang ang paglalabanan nyang dalawa na yan dahil sa tingin ko rin naman, Letran na ang No.1 team at PCU naman ang No.2.
Kung napa-aga sana ng pa-sok si Koy Banal eh baka nag-iba ang picture ng Red Lions this season. Sayang yan para sa San Beda talaga. May kaunti pang pag-asa ang San Beda at yan ay ang dapat, ma-straight nila ang last three games nila, at umasa sila na either ang SSC o MIT ay matalo rin sa last three games nila.
Playoff na lang ang pag-asa nila at napaka-slim na nyan.
Yan na rin ang natitirang pag-asa ng CSB at Perpetual Help.
Natatandaan ko a few years ago nung magbuo ng isang bas-ketball team itong si Big Boy at isinali nya sa mga basketball leagues. Nagkasama-sama noon ang ilang mga PBL players sa team niya.
Minsan ay may nag-suggest sa kanya na pumasok sa PBL pero umayaw siya dahil sa busy na siya sa kanilang negosyo mula nung mawala ang kanyang ama.
Pero ganun man, patuloy ang Uratex at si Big Boy sa pagsuporta sa iba't ibang sports project lalo na kung may patungkol sa golf.
Hindi naman nagsasara ng pinto si Big Boy sa pagbuo ng isang Uratex basketball team na balang araw eh isasali niya rin sa mga big basketball leagues.
Mabuti at mayroong isang avid supporter ang sports lalo na ng golf sa katauhan ni Big Boy Cheng at ng Uratex.
Para sa kasagutan, type nyo lang ANSWERNAP (space) in-yong sagot (space) inyong panga-lan at i-send sa 34822, para sa Smart at Talk N Text subscribers.
Ibabase po namin ang kasa-gutan sa aming survey sa first 500 respondents.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am