Pumaren brothers tagumpay
August 19, 2005 | 12:00am
Parehong umiskor ng panalo ang magkapatid na Dindo at Franz Puma-ren nang inilampaso ng University of the East ni Dindo ang Adamson Uni-versity, 78-57, samanta-lang pinayukod naman ng nagdedepensang De La Salle University ni Franz ang University of Sto. Tomas, 98-72, para ma-mintine ang kani-kanilang posisyon sa second round ng 68th UAAP mens basketball tourna-ment kahapon sa Blue Eagle Gym.
Humakot si Marcy Arellano ng 21 puntos, kasama ang 4-for-7 clip sa 3-point line, 3 re-bounds, 2 assists at 1 steal upang ihatid ang UE Red Warriors sa 7-2 rekord sa ilalim ng 7-1 baraha ng lider na FEU.
Naglista naman si Joseph Yeo ng 22 sa kanyang 28 produksyon sa first half para tulungan ang La Salle Green Ar-chers sa pagkubra ng 5-3 marka sa ilalim ng 5-2 grado ng pumapangat-long Ateneo Blue Eagles.
Naging sandata ng UE ang itinayong 18-point advantage sa kaagahan ng third quarter, 45-27, para ulitin ang kanilang 90-69 paggupo sa Adam-son, may 2-6 karta tam-pok ang five-game losing skid, sa first round.
Dinalawahan rin ng La Salle ang UST, nagdadala ng 2-7 rekord kasunod ang NU (0-7), mula sa ka-nilang 98-78 panalo sa first round at para sa kanilang ika-16 sunod na pagdomina sa 4-time champions mula noong 1999.
Sa juniors division, iginupo ng La Salle-Zobel ang UST Tiger Cubs, 62-42, habang tinalo ng AdU Baby Falcons ang UE Pages, 56-38. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended