^

PSN Palaro

Pagdanganan dedma kay Ramirez

-
Ayaw nang patulan ni Philippine Sports Commis-sion (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga pa-tutsada sa kanya ni South-east Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) chief Roberto Pagdanganan.

Ayon kay Ramirez, hindi na siya magsasalita ukol sa mga pasaring sa kanya ni Pagdanganan.

"I have no comment on that. I listen to the President and I work hard for the Philippine sports and for the athletes," wika ni Ramirez kahapon sa idinaos na special General Assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Milky Way Café sa Makati City.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Pagdanganan ang mga komento ni Rami-rez hinggil sa sinasabing mabagal na pamamalakad niya sa PHILSOC para sa dara-ting na 23rd SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Ginawa ito ni Ramirez dalawang araw matapos ibigay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pa-ngunguna sa PHILSOC nina POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. at Ramirez para sa mabilis na paghahanda sa 2005 SEA Games.

Mariing sinabi ni Pag-danganan na hindi nalalaman ni Ramirez ang kanyang mga pinagsasabi.

"Let’s just look at one’s credibility," sambit lamang ni Ramirez sa mga pahayag laban sa kanya ni Pagdanganan.

Si Cojuangco ang siyang tatayong Chief Executive Officer (CEO) ng PHILSOC, samantalang si Ramirez naman ang aaktong Chief Operating Officer (COO).

ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

CHIEF OPERATING OFFICER

GENERAL ASSEMBLY

MAKATI CITY

MILKY WAY CAF

PAGDANGANAN

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMIS

RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with