Pinayukod ng Knights ang St. Benilde Blazers, 79-67, upang sungkitin ang inaasam na twice-to-beat incentive, saman-talang binigo naman ng Dolphins ang Perpetual Altas, 57-51, para kunin ang No. 2 berth sa Final Four sa second round ng 81st NCAA mens basket-ball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
"Parang natural reac-tion sa mga teams na nananalo na mag-relax," ani mentor Louie Alas sa Letran na may 11-0 kar-tada ngayon kasunod ang 9-2 ng PCU ni Junel Ba-culi, 7-4 ng Mapua ni Horacio Lim at 6-5 ng San Sebastian ni Turo Valenzona. "Pero hindi kami puwedeng mag-relax kung gusto naming mag-champion ulit."
Natikman naman ng St. Benilde ni Caloy Gar-cia ang kanilang pang walong sunod na kamala-san para sa 3-8 baraha.
Bumangon naman ang Dolphins buhat sa isang 19-point deficit sa second quarter para talunin ang Altas, may 3-8 marka ngayon katulad ng San Beda Red Lions, at sikwatin ang kanilang ikatlong talo.
Sa juniors action, umiskor naman si Allan Mangahas ng 23 marka upang ihatid ang Baby Dolphins (4-6) sa 83-67 paggiba sa Altalettes (0-9). (Ulat ni R.Cadayona)