^

PSN Palaro

Twice-to-beat sa Letran; semis slot sa Dolphins

-
Hindi na nag-ak-saya ng panahon ang host Letran College at nag-dedepensang Philippine Christian University para iasa-katuparan ang kani-kanilang hangarin.

Pinayukod ng Knights ang St. Benilde Blazers, 79-67, upang sungkitin ang inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive, saman-talang binigo naman ng Dolphins ang Perpetual Altas, 57-51, para kunin ang No. 2 berth sa Final Four sa second round ng 81st NCAA men’s basket-ball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

"Parang natural reac-tion sa mga teams na nananalo na mag-relax," ani mentor Louie Alas sa Letran na may 11-0 kar-tada ngayon kasunod ang 9-2 ng PCU ni Junel Ba-culi, 7-4 ng Mapua ni Horacio Lim at 6-5 ng San Sebastian ni Turo Valenzona. "Pero hindi kami puwedeng mag-relax kung gusto naming mag-champion ulit."

Natikman naman ng St. Benilde ni Caloy Gar-cia ang kanilang pang walong sunod na kamala-san para sa 3-8 baraha.

Bumangon naman ang Dolphins buhat sa isang 19-point deficit sa second quarter para talunin ang Altas, may 3-8 marka ngayon katulad ng San Beda Red Lions, at sikwatin ang kanilang ikatlong talo.

Sa juniors action, umiskor naman si Allan Mangahas ng 23 marka upang ihatid ang Baby Dolphins (4-6) sa 83-67 paggiba sa Altalettes (0-9). (Ulat ni R.Cadayona)

ALLAN MANGAHAS

BABY DOLPHINS

CALOY GAR

CUNETA ASTRODOME

FINAL FOUR

HORACIO LIM

JUNEL BA

LETRAN COLLEGE

LOUIE ALAS

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with