^

PSN Palaro

Cardona sa TNT; Fran sa Air21

-
Hindi naluto ang three-way-trade sa pagitan ng Talk N Text, Air21 at Batang Red Bull ngunit nagkasundo pa rin ang Phone Pals at Express sa palitang Mark Cardona at Patrick Fran.

Imbes na panatilihin sa kanilang bakuran ang La Salle hotshot na si Cardona, ang fifth over-all pick ng Express sa PBA Annual Draft noong Linggo, nagdesisyon ang Air21 na ipamigay ito sa Phone Pals kapalit ng beteranong guard na si Patrick Fran.

Nagsimula ang usapan na kasama ang Red Bull sa eksena ngunit walang interes ang Phone Pals at Express sa mga players ng Barakos.

Hindi pinirmahan ni Cardona ang inalok na P6.8 milyong kontrata sa loob ng tatlong taon ngunit inaasahang halos ganito rin ang kanyang makukuha mula sa Phone Pals.

Samantala, pinapirma naman ng Alaska Aces ang kanilang second round pick na si Mark Kong ng isang taong kontrata gayundin ang kanilang nabingwit sa dispersal draft para sa mga maiiwanang pla-yers ng Shell na magli-leave-of-absense, na si Banjo Calpito.

Sa iba pang balita, iniangat ng Talk N Text si Bong Ravena bilang assistant coach. (Ulat ni CVOchoa)

ALASKA ACES

BANJO CALPITO

BATANG RED BULL

BONG RAVENA

LA SALLE

MARK CARDONA

MARK KONG

PATRICK FRAN

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with