Isang malaking hadlang sa labang ito si Zahir Raheem na magiging mapanganib para kay Morales kung pagbabasehan ang kredensiyal ng una.
Maghaharap sina Morales at Raheem bilang co-main event ng Sep-tember 10 Double Trou-ble bout sa Staples Center sa Los Angeles.
Si Raheem, tubong Philadelphia ay may ma-gandang record na 26 wins, 1 talo, 16 nito ay mu-la sa knockout wins bilang No. 6 sa WBC, No. 7 sa WBO at No. 10 naman sa WBA.
Natalo lang si Raheem kay Rocky Juarez ng Houston, na halos isang taon na ang nakakaraan.
Sinabihan ng ilang mga eksperto sa boxing si Bob Arum na siyang may planong pagharapin sina Morales at Pacquiao.
Kailangang daigin ng Mexicano si Raheem upang matupad ang pay-per-view fight na nakatak-dang ganapin sa huling linggo ng buwan ng Enero sa susunod na taon.
"I wouldnt be sur-prised if something earth-shaking happens be-tween Raheem and Mo-rales," ani ng isang source na naka-base sa Los Angeles.
Kabilang sa tinalo ng 28-anyos na si Raheem ang dating world cham-pion na si Luisito Espino-sa na kanyang pinigil sa 8th-round ng kanilang 2002 bout.
Plano naman ni Mora-les na muling magsanay sa kabundukan ng Otomi hanggang Sept. 7 bago siya bibiyahe patungong Los Angeles sakay ng private jet.