^

PSN Palaro

Barbosa, Lagnada naka-gold sa taekwondo kiddies finals

-
Nagtala ng impresibong panalo sina Kirk Barbosa ng Tiptop Shapes at Noleen Ann Lagnada ng Butuan City laban sa magkahiwalay na kalaban sa kani-kanilang divisions sa grade school division ng 4th Samsung Best of the Best National Taekwondo Champion-ships na nagtapos sa Glorietta Activity Center noong Linggo.

Dinomina ni Barbosa si Angeli Mark Barro ng Clarkfield sa unang dalawang rounds tungo sa 4-1 panalo at ibulsa ang gold medal sa Group 3 ng boys side habang naungusan ni Lagnada si Char-lumae Sumastre ng Olympia sa high-scoring finale, 11-10, upang magtagumpay sa girls’ Group I division sa event na ito na tumipon ng mga batang jins sa buong bansa.

Tinanghal sina Barbosa at Lagnada bilang mga best player na iginawad ng sponsor na Sam-sung. Ang iba pang pinarangalan ay sina finweight John Paul Lizardo (seniors-men), finweight Gerrielyn Arranzanso (senior-women), finweight Raymond Abellar (juniors-men) at flyweight Karla Jane Alava (juniors-women).

Ang iba pang nanalo sa grade school finals ay sina Celson Pascua ng AIDA World TKO, Michael Telequido ng NTU Tigers, James Luzuriaga ng La Salle-Zobel, Devi Singson ng Ilocos Norte, Gerry del Rosario ng Cavite at R-Jay del Rosario ng UST sa boys side at Myrlita Lalacsan ng Olympia, Rosa Quiriado ng Soc-sargen, Ynah Bonifacio ng BSU, KC May Panes ng Central Minda-nao at Rochelle Joy Esteves, ng Central Mindanao sa girls class.

Tinalo ni Pascua si John Elmer Ramos ng Meycauayan, 2-1; naungusan ni Telequico ang Cebu bet na si John Paul Tomarse, 2-1 igunupo ni Luzuriaga si Carlo Gar-cia ng Amoranto, 3-1; dinispatsa ni Singson si Domingo Baluyot ng Letran, 11-9; nanaig si Gerry del Rosario sa kapwa Letranista na si Bellarminto Ulidan, 4-3; at naungusan ni R-Jay del Rosario si Joseph Pacquing, galing din sa Letran, sa sudden death.

Sinibak ni Lalacsan si Jamaica To-ong ng Phil. Army-Davao, 7-0; nagtagumpay si Quiriado kay Lo-renz Mae Villacorte ng Danao City, 4-1; pinabagsak ni Bonifacio si Kristine Chua ng NTU, 8-5; nau-ngusan ni Panes si Michelle Ferolin ng Gen.San sa sudden death; at nanaig si Esteves kay Geneve Castillo ng Meycauayan, 5-4.

ANGELI MARK BARRO

BARBOSA

BELLARMINTO ULIDAN

BUTUAN CITY

CARLO GAR

CELSON PASCUA

CENTRAL MINDA

CENTRAL MINDANAO

DANAO CITY

DEVI SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with