Ang third place finish ay nagkaloob sa RP batters ng puwesto sa South Asia Championship na nakatakda sa Oktubre sa Singapore kasama ang mga finalists na Japan at Singapore.
Isinelyo ng mga Hapon ang kanilang dominasyon sa torneong ito nang blangkuhin nila ang Singapo-reans, 10-0, upang makopo ang titulo.
Pinag-walk ni Warren Vispo, ang pinakabatang miyembro ng koponan sa edad na 12, ang apat na batters at nagpakawala ng dalawang hits at isang run habang dalawa ang kanyang na-strike-out sa apat na innings.
Pinatalsik naman ni Gerardo Mallari ng Ateneo ang apat na batters sa dalawang innings.
Kinumplimentuhan nito ang offensive form ng mga Pinoy na nakakuha rin ng RBI (runs batted-in) kay catcher Luke Bernardo sa tatlong beses na pag-apak sa plate upang makadalawang panalo sa Aus-sies, sa tinalo nila sa eliminations, 5-3.
"Maganda ang batting ng mga bata, pati na rin pitching," ani RP team Lito Ordonez na nagmando rin ng Vispo-led national team sa second place finish sa likod ng Chinese Taipei sa Asia Pacific Bronco Base-ball Championship noong nakaraang buwan dito.
Binigyang kulay ni Marikina City Mayor Maria Lourdes Fernando ang closing ceremonies kasama si tournament director Toshiki Tominaga, na kuma-tawan ng nag-organisang World Baseball Fede-ration president Takeshi Koban ng torneong ito na sinupor-tahan ng Philippine Gaming Corp., Yellow Cab Pizza, Colgate-Palmolive, Asia Brewe-ry Absolute, Maxs Restaurant, Jollibee, Gol-den Vine Laboratories at Tropical Hut.