FEU dinungisan ng UE
August 15, 2005 | 12:00am
Nakahanap na ng katapat ang Far Eastern University at ito ay ang University of the East na tulad na siya na namang kauna-unahang koponan na dumungis sa malinis na katayuan ng Tamaraws gaya noong nakaraang taon matapos ang 62-57 panalo sa pagsisimula ng ikalawang round ng UAAP seniors basketball tournament sa Araneta Coliseum kagabi.
Kinamada ni Bon-Bon Custodio ang pito sa kanyang 19 puntos sa huling 2:37 ng laro, tungo sa pagsulong ng UE Red Warriors sa 6-2 win-loss slate habang nalasap naman ng Tamaraws ang unang kabiguan matapos ma-sweep ang 7-games sa unang round na nangyari rin noong nakaraang taon.
Sa unang laro, ikinamada nina Warren de Guzman at Japs Cuan ang siyam na puntos ng University of Santo Tomas sa overtime kung saan nalimitahan nila ang University of the Philippines sa dalawang puntos tungo sa 92-85 panalo na nagsulong sa Tigers sa 2-6 record habang bumagsak ang UP Maroons sa 4-4.
Sa juniors division, umangat ang FEU Baby Tams sa 7-1 kartada matapos igupo ang UE Pages, 77-66 habang sumulong naman ang UP Integrated School sa 5-3 record matapos igupo ang UST Tiger Cubs, 74-52.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest